Isang tinuguriang ‘stencil boy’ ng Land Transportation Office (LTO) ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Alabel, Sarangani province.

Kinilala ni SPO3 Oscar Ibarre ng Alabel Municipal Police Station, ang suspek na si Kadafi Buday, 42, residente ng Purok 2 Brgy. Buayan, Gene­ral Santos City.

Positibong nabilhan ng isang sachet ng shabu ang suspek ng pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa suspek.