Nasa hot water ngayon ang isang pulis matapos arestuhin sa pamamaril at pagpatay sa kanyang stepbrother sa Cagamutan Norte, Leganes, Iloilo.

Nakakulong na ngayon ang suspek na si PO2 Joel Poblacion, nakatalaga sa Mandurriao Police Station sa Iloilo City habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

Sa imbestigasyon, dinatnan ng suspek ang biktimang si Kenneth Montano na nagwawala kaya tinangka nitong pakalmahin subalit lalo umano itong nagwala.

Nagalit umano ang suspek kaya pinaputukan ng apat na beses ng kanyang service firearm.

Napag-alaman kay Sr. Insp. Dadji de Lima, hepe ng Leganes Police, una nang humingi ng police assistance ang ina ng biktima nang manggulo ito.