Steph Curry tinupad ang pramis kay Riley

Tinupad ni Stephen Curry, sa tulong ng Under Armour, ang promise niya kay Riley Morrison, ang 9-year-old girl mula Napa, California na sumulat sa two-time MVP noong November.

Tinatanong noon ni Morrison kung bakit walang sizes na pambabae ang signature Curry 5 shoes ng Golden State superstar. Nag-sorry si Curry, at nangakong papadalhan niya ang bata ng dalawang pares, kasama ang bagong labas na Curry 6 model.

Inihayag pa ni Curry na may personal design na idinagdag si Riley sa ICON Curry 6 ‘United We Win’ edition na makikita sa sock liner nito.

Nasa CBS ang bata nitong Biyernes, ini-interview tungkol sa sapatos at kay Curry nang pumasok sa set ang Warriors star. Ibinigay ni Curry kay Riley ang bago sapatos, siya ang rume-rebound sa mga bola habang nagsu-shooting ang bata.