Steph napanganga sa rekord ni pops

Steph napanganga sa rekord ni pops

Siguro ay hindi naikukuwento ni Dell Curry sa mga anak – lalo kay Stephen – na may asim din siya noong kapanahunan sa paglalaro.

Noong isang araw lang, nilabas ng NBA ang record ng pinakamara­ming naipong puntos off the bench.

Nagulat pa si Steph nang malaman na hawak ng amang si Dell ang record.

Off the bench, nakaipon si Dell ng kabuuang 11,147 points, pangalawa si LA Clippers guard Lou Williams (11,120).
Umiskor si Williams ng 40 sa 118-110 win ng Clippers kontra Oklahoma City noong Biyernes para lagpasan si Jamal Crawford (11,104) sa second-most all-time bench points overall.

Parang gulat ang reaksiyon ni Curry. Si­guro nga, hindi nila alam ng kapatid na si Seth na may tinatagong angas ang ama.

“Hold up! Pops has that record????? Learn something new everyday. That’s dope!” tweet ni Steph.