STEPH NINERBIYOS SA GOLF

Astig sa basketball si Stephen Curry, paran­g wala lang sa kanya kung bumato ng bola kahit saang sulok ng court – kahit sa labas pa.

Pero ang sniper ng Golden State Warriors at two-time NBA MVP, marunong din palang nerbiyusin.

Dinaga rin si Curry sa unang sabak niya sa golf tournament, pero nang makuha ang pulso ay pakitang-gilas din.

Binomba ni Curry ang kanang kamao, tinaas ang dalawang kamay sa ere na may hawak na club at nakipag-shoulder bump kay caddie Jonnie West, golf partner niya sa road trips ng Warriors.

Pagkaraan ng three bogeys sa five holes sa kanyang professional golf debut, pinagdiwang niya ang birdie.

Kumbaga sa bilyar ay na-scratch sa unang tumbok, bandang huli ay naipasok din ni Curry ang mahirap na tirada sa TPC Stonebrae.

Sa bogey sa last hole, may respetado na siyang 4-over 74.

“It was an amazing experience, I’ve been looking forward to this since I found out and to finally hit my first shot in tournament play was a really, really nervous moment but it was everything I hoped for,” litanya ni Curry.

“If you told me I was going to shoot 74 going into the first round I’d take that all day, every day. I’m pretty happy with it.”

Pinanood si Curry ng 300-plus fans sa Ellie Mae Classic ng Web.com Tour.

Nakipag-high five ang star point guard ng champion Warriors sa mga fans sa bawat holes sa venue na naka-background ang San Francisco Bay.

Nag-almusal ng sandwich sa green sa kanyang first hole, sablay si Curry sa opening tee shot. Bumagsak ang drive sa pataas na bahagi bago lumagpak sa cup holder ng golf cart.

Kung sa basketball, 3-pointer sana ‘yun na parang bumato si Curry sa tunnel ng Oracle Arena.

“That’s probably a first on the tour. There was a golf cart just left of my target on hole No.

1 and it went right in the cup holder,” lahad ni Curry. “Not an ideal way to start with calling a rules official over after your first tee shot. I kind of settled in after that.”