Steph, Warriors aayuda ng $1M sa mga katoto

Magdo-donate ang may-ari ng Golden State Warriors, players at coaches ng $1 million para sa mga empleyado ng Chase Center na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus outbreak.

Nagdesisyon ang NBA na suspendihin na ang season, umayuda agad ang Warriors sa kanilang home staff na nagtatrabaho sa mga game sa Chase Center.

Higit 1,000 ang part-time employees sa arena kabilang ang mga nasa food services, security, guest services at custodial.

Nang ibaba ang suspension nitong March 11, may pitong home games pang nakalinya sa Chase Center ang Warriors.

“The men and women who work our games at Chase Center are critical in providing an incredible game-night experience for our fans, including of course, the popcorn vendors,” ani Steph Curry sa statement ng Golden State.

“As players, we wanted to do something along with our ownership and coaches, to help ease the pain during this time.” (VE)