APAT na lalake ang sabay-sabay na nanli­ligaw kay Stephany ­Stefanowitz.

Pero ang lagi ­niyang ka-text at kausap sa phone ay ang ­hiwalay sa asawa na si Gab ­Valenciano.

https://www.instagram.com/p/BRfqGWPgYOZ/?hl=en&taken-by=stephanyny

May nagbalita sa akin na na-link si Stephany sa presidential son na si Baste Duterte.

Chika ni Steph, kaibigan niya lang ito. Nag-guest lang siya sa ­travel show ni pogilicious Baste.

Kasabay nito, nagpapahaging sa kanya ang isang businessman, isang pogilicious model at ang anak ni Gary V na si Gab Valenciano.

Na-shock si Steph sa tanong ko kung bakit madalas niyang kausap at ka-text si Gab.
Friends lang daw sila.

Binanatan ko ulit si Steph, bakit natata­ranta siya pag nagtetext si Gab?

Hindi makasagot ang magandang dilag sa ­sunud-sunod kong pang-uurirat.
Consistent siya sa pagde-deny.

Eh may nagbulong sa akin na sinagot na ni Steph ang junakis ni Gary V, ‘no?!