Steve Pearce MVP; Red Sox kampeon

Bago nag-umpisa ang 2018 season, marami na ang nagsasabing ibang klase ang komposisyon ng Boston Red Sox.

Hanggang sa World Series, pinatunayan ng Red Sox na matindi nga sila.

Pagkatapos ng final pitch ni Chris Sale para sa Boston, sumiklab ang selebrasyon sa Dodger Stadium na dinagsa ng libo-libong Red Sox fans na dumayo pa ng California, kasabay ng mga nasa labas ng Fenway Park sa Boston.

Hindi nagpakabog si David Price sa mound, nakadalawang homer si Steve Pearce at tinalo ng Boston ang Los Angeles Dodgers, 5-1, nitong Linggo para tapusin ang ­one-sided World Series sa limang laro.

May apat na titulo na ang Red Sox sa nakalipas na 15 seasons.

“This is the greatest Red Sox team in history,” deklarasyon ni owner John Henry matapos abutin ang Series trophy.

Pinalipad ni Pearce ang two-run homer sa pang-anim na pitch ni Clayton Kershaw. Natahimik ang Los Angeles crowd nang maka-solo homer din sina Mookie Betts sa sixth inning, at si JD Martinez sa seventh.

Nagdagdag pa si Pearce ng solo drive sa eighth, pagkatapos ng laro ay tinanghal na Series MVP.

“Best feeling in my life,” bulalas ni Pearce.