Walang magiging problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung may prangkisa sa small town lottery (STL) ang mga retiradong police at military general basta matiyak lamang na sumusunod ang mga ito sa batas.

Ito ang inihayag ng Presidente sa kanyang talumpati sa ika-118th Police Service Anniversary ng Philippine Natio­nal Police (PNP) sa Kampo Crame kahapon.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya mamasamain ang partisipasyon ng retired police at mi­litary generals basta masigurado lamang na nasunod ang mga panuntunan para sa pagkakaroon ng prangkisa.

“Let me say this to you now. The allegation that police generals, retired, are into the STL, lotto and whatnot, I said: ‘You do not have a problem with me.’ If it’s a bidding, you participate as long it is not rigged in your favor and you secure it complyin­g with the laws, I will not begrudge you,anang Pa­ngulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na hindi rins siya kokontra kung ang mga heneral ay kasosyo ng mga milyonaryo sa STL basta masi­gurado lamang na hindi “ginapang” ang kontrata o prangkisa sa gobyerno.

Matatandaang ipinasara ng Presidente ang operasyon ng lotto, STL, keno at peryahan ng ba­yan na nasa pangangasiwa ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) dahil dinadaya umano ang kita at mas marami ang nakukurakot kaysa napupunta sa kaban ng gobyerno.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na karamihan sa mga nakakuha ng stl franchises ay police at military ge­nerals na hindi nagre-remit ng kanilang kita sa PCSO. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)