Alam mo ba Mr. President na isang bigtime businessman sa Mindanao ang nataranta nang ipatigil nyo ang operasyon ng STL, Lotto, Peryahan ng Bayan at Keno ng Philippine Charity Sweepstakes Office kamakailan.

Yes mga pare at mare, nag panic si businessman nang mabalitaan ang utos ng Pangulo. Ayon sa aking bubwit, ang ginawa ni sir ay ipinatawag sa meeting ang lahat ng kanyang tauhan sa Mindanao at hiningi ang lahat ng papeles nila ng ope­rasyon ng STL. May STL si sir at mayroon din syang iligal na last-two, tsk tsk legal at kalokohan magkasabay.

Ayon sa aking bubwit, ipina-encode ni sir sa mga bata niya sa computer ang mga papel ng kanilang ope­rasyon at pagkatapos ay iniutos niyang sunugin ang lahat ng dokumento. Mukhang isa si sir sa STL ope­rators na dumaya sa PCSO sa kita kaya dapat mawala ang mga papel na ebidensya tsk tsk.

Abangan natin ang pangako ng Palasyo na huhubaran ng maskara ang lahat ng opisyal at ga­ming partners ng PCSO na nagnakaw ng kita ng gobyerno, gusto kong malaman ang reaksyon ng Presidente sa businessman na ito.

Pero hindi lang ang utos at imbestigasyong na hiningi ng ng Presidente ang problema ni bigtime Mindanao businessman. Bukod sa Min­danao STL at iligal na last-two ay may STL franchise din pala siya sa Cavite City at ‘yun ginawa sa kanya ng mga tao nya doon ang nagpa iyak kay sir.

Nang mabalitaan kasi ng mga bata ni sir sa Cavite ang utos ng Presidente ay hinold na nila ang remittance ng hawak nilang mahigit P200M kita ng outlet dahilan para magwala si businessman sa galit. Balita ng aking bubwit, pinahanap ni sir ang bata niyang may dala ng kita pero abangan natin kung maibabalik pa ‘yun.

Ang bigtime businessman sa Mindanao na malapit sa First Family at nabilhan na ng mga Lexus ang mga anak dahil sa non-remittance ng kita sa STL ay si…