Storm surge warning system inilunsad ng DOST-Pagasa

Inilunsad kahapon ng Department of ­Science and Techno­logy-Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-Pagasa) ang warning system para sa storm survey kasabay ng Typhoon and Flood Awareness Week.

Ayon kay Pagasa Administrator Dr. Vicente Malano, napakahalaga ng storm surge warning system upang lubos na mapaghandaan ang pinsala ng paparating na bagyo.

Aniya, bago ang storm surge o dalu­yong sa Pilipinas dahil may naitala ng nakaraang pinsala na sanhi nito tulad noong 1920 na kasinglawak rin ng bagyong Yolanda at kaparehong lugar ang dinaanan ng bagyo.

Ang bagong warning­ system ay sinubok na noong nakaraang taon o buwan ng Setyembre sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Ipinaliwanag ni Malano, na color-coded­ rin ito, na may representasyon ang apat na kulay.

Kapag blue o asul, ang daluyong ay ‘less than one meter’; yellow o dilaw na nanga­ngahulugang ‘be ready’ at ang storm surge ay may taas na isa hanggang dalawang metro; orange kung aabot sa 2 to 3 meter ang taas ng alon; at red o pula kung mahigit sa tatlong metro.

Mayroon ding ila­labas na storm surge watch na magaganap sa susunod na 24 oras.(Dolly Cabreza)