Strategic partnership ng Pinas at Japan lalong paiigtingin

Naging produktibo ang pagpupulong nina Pangu­long Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister­ Shinzo Abe matapos mapagkasunduan na lalo pang paigtingin ang strategic partnership ng dalawang bansa.

Napagkasunduan ng dalawang lider na itagu­yod ang mapayapang reso­lusyon sa pag-aayos ng gusot sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippines Sea.

“The Philippines will continue to work closely with Japan on issues common concern in the region and uphold the sheer values­ of democracy, adherence to the rule of law and the peaceful settlement of disputes including the South China Sea,” ayo­n kay ­Pangulong Duterte.

Matapos ang bilateral meeting sa Minister’s Office sa Tokyo ay naglabas ng joint statement ang ­Pilipinas at Japan.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ipagpapatuloy ang koope­rasyon ng Pilipinas sa Japan partikular na sa isyung pangseguridad.

Iginiit ng dalawang lider ang pagkilala sa mahalagang papel sa ASEAN bilang dialogue partner.

Muli ring iginiit ni Duterte na “special friend” ng Pilipinas ang Japan.

Kaugnay nito, ikina­tuwa rin ni Pangulong ­Digong ang intensyon ng Japan na pagkalooban ng high-speed boats at iba pang equipment ang ­Pilipinas nang sa ­gayon ay mapag­husay ang “anti-terrorism capabilities” ng bansa.

“Maintaining open and stable seas is essential in the region. The two leaders shared the view that the South China Sea holds sea lanes vital for global economic activity and viabi­lity. In this regard, the two leaders stressed the importance of freedom of navigation and over flight, as well as anti-piracy efforts and cooperation.,” ­bahagi ng joint statement ng ­Pilipinas at Japan.