Senyales na nalalapit na ang Kapaskuhan dahil sa naglipanang mga street children sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Nagsulputan na naman kasi ang mga namamalimos na mga bata sa kahabaan ng Edsa at ilang pangunahing lugar sa Kalakhang Maynila.
Katulad ng mga nagdaang mga eksena tuwing nalalapit ang Kapaskuhan, ang mga batang palaboy na ito na kumakatok sa mga motorista ay nakakabahala dahil sa posibleng aksidenteng kanilang abutin.
Alam nating masikip ang daloy ng trapiko pero hindi maiiwasan ang mga motorsiklong mahilig magsisingit kaya hindi malayong masagi at baka malasin ay masagasaan pa ang mga batang ito.
Masyadong peligroso ang kanilang ginagawa kaya dapat ay makita ng mga local government units na nakakasakop sa lugar kung saan naglipana ang mga batang ito upang ilagay sa dapat kalagyan.
Nakakalungkot kasi na si Pangulong Rodrigo Duterte ay mahigpit ang kampanya kontra iligal na droga pero ang mga local government units at DSWD ay tila nakakalimot sa kanilang tungkuling kupkupin ang mga street children at ilagay sa ligtas na lugar at hindi iyong namamalimos sa kalye pagkatapos ay gagastusin ang kinita sa pagbili ng rugby o solvent.
Sayang naman ang effort ng ating Pangulo kung may mga sangay ng ating gobyerno ang nagpapabaya sa kanilang gawain.
Ayoko namang isipin na ang mga naglipanang mga street children ngayon sa mga pangunahing lugar ay talagang ginagamit ng sindikato para mamalimos dahil makikita namang kasunod ng pamamalimos ng mga paslit ay makikita silang may bitbit na mga plastic ng rugby o solvent.
Anuman ang katotohanan sa likod ng mga nagkalat na street children ngayong Ber months sa kalye ay saka na natin alamin, ang mahalaga ay masinop ng pamahalaan ang mga batang ito na pangunahing puntiryang maisalba ni Pangulong Duterte kaya mahigpit ang kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Oplan tohang sa street children….
baka mamaya kasama na sa mga isina-salvage yan