Nagsagawa ng kilos protesta ang mga estudyante ng Ateneo de Manila University (ADMU) noong Lunes para kalampagin ang Ateneo administration sa umano’y mga alegasyong kumalat at nag-viral sa social media laban sa umano’y mga manyakis na professor ng unibersidad.

Ang protesta na pinangunahan ni Philosophy instructor Luther Aquino ay ginanap sa harapan ng Horacio dela Costa Hall, kung saan matatagpuan ang tanggapan ng inaakusahang mga professor.

“This isn’t just about particular incidents of sexual misconduct; it is about how this university is run because the rot goes all the way to the very top. It goes all the way to the decision-makers who have made it possible that these cases of sexual misconduct could go unpunished for so long,” paliwanag ni Aquino.

Ilan sa mga alegasyon ng ‘sexual misconduct’ sa Ateneo na pinutakte sa social media ay kinabibilangan ng ngayong nag-viral post ng isang nakilalang Sam Rojas na nagdetalye ng kaniyang naging karanasan sa nanunungkulang professor na aniya ay may inisyal na ‘MT’.

“While having a one-on-one consultation with her, MT touched me in my inner thigh. At the moment, I was uncomfortable, frozen in fear, and I felt extremely unsafe,” nakasaad sa mensahe ni Rojas.

Matapos ang insidente, naghain ng kaso si Rojas laban sa professor na sinuspinde naman ng Ateneo administration sa loob ng 15 araw.

“Despite going through all the trouble and waiting for 6 months, she was only suspended for 15 days, more than 12 times SHORTER than my wait for the decision. Take into consideration the fact that MT is tenured and has many connections in the school admin and is in fact part of the student discipline committee. It is clear they are PROTECTING HER,” dagdag na mensahe ni Rojas.

“I urge youy guys to please share this story. Ateneo has been far too lenient and protective of sexual harassers. They have continually protected professors who prey on vulnerable students like me, even allo­wing those who have been convicted of such acts to return to teaching again. I have been silent far too long about this so now, I am speaking up,” sabi pa ni Rojas sa kanyang Facebook post.

Dumagsa ang mga Tweet ng mara­ming Atenista: “O SILENCE, NO FEAR, NO HARASSERS WELCOME HERE! ADMIN, TUMINDIG, SA BIKTIMA AY MAKINIG! SEXUAL PREDATORS, GET OUT OF ATENEO.”

Sumama ang ADMU Sanggunian, ang student council ng Ateneo sa protesta. Sabi nito, nangako ang administrasyon ng Ateneo na aaksyunan ang mga reklamo subalit wala pang nangyayari.

“We the Sanggunian, call on our fellow Ateneans to stay vigilant and to speak out on issues such as this. Sexual harassment should never be tolerated in this or in anyother institution. We extend our support to the victims of these heinous acts and admire your courage for speaking out.

Lives are being disrupted and upended by these offen­ses, and the Sanggunian will not stand by it. We will not rest until justice is served,” sabi ng ADMU Sanggunian sa isang statement.

Nagbabala naman ang Sanggunian, ang student government ng Ateneo na hindi sila hihinto sa gagawin nilang kilos protesta hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng ‘sexual misconduct’ at ‘violence’ sa nasabing kilalang unibersidad.

“We are not satisfied with precedent action. We demand justice, transparency and accountability.–we demand change!” dagdag pa ng Sanggunian.

May iba pang estudyante at kapwa guro ang minanyak umano ng nasabing professor subalit nahihiya at natatakot lamang ang mga itong lumantad.

Nauna nang lumabas sa Abante noong Oktubre 2018 na isang English/Literature prof ang inireklamo rin ng sexual abuse ng kanyang estudyante.

Naungkat din ang mga dating reklamo sa ilang teacher na umano’y hindi naaksyunan ng pamunuan ng Ateneo. (DC/EM)