“Kaya ‘yan ng stock knowledge ko,” ‘yan ba ang lagi mong iniisip sa tuwing darating ang exams? ‘Yung sawa ka nang mag-review dahil alam mo na hindi ka naman talaga makakapag-focus, bakit ‘di mo subukan ang easy steps na ‘to para mapadali ang pag-aaral mo.
Alisin mo (muna) ang mga sagabal. Number one distraction ba sa ‘yo ang mga social media sites na laging nagno-notify at tila nangungulit para mapansin?
Subukan ang mga app na pansamantalang magba-block sa mga sites na ayaw mong maka-istorbo sa pag-aaral mo.
Gumamit ng iba’t ibang note taking methods. Paano ka ba nagsusulat ng notes? Alamin ang mabisang paraan sa ‘yo para matandaan mo ang mga notes.
Pwede kang gumamit ng flashcards o drawings na makapagpapaalala sa ‘yo ng mga terms na dapat matandaan.
I-record ang mga lecture. Kung inaantok ka sa klase, pwede mong i-record ang buong lecture pagkatapos ay i-play ito ulit kapag nagre-review.
Gawin ang Pomodoro Techinique. Sa pagre-review, mas mabisa kung mayroon kang 5 minutong interval o breaks sa kada 20-25 minuto na pag-aaral para mas madali mo itong matandaan. Bigyan din ng small reward ang sarili kada break para mas ma-motivate kang mag-aral pa.
Sa huli, ikaw pa rin ang makakaalam kung ano ang mabisa sa ‘yong paraan para madali mong matandaan ang mga mga lessons mo sa exam, kailangan lang ng sipag.
Makipag-usap sa mga professor. Ang pakikipag-usap sa mga teacher ay makatutulong para magkaroon ka ng idea sa mga lalabas sa inyong exam.
Ingatan lang na huwag direktang itanong sa kanila kung ano ang lalabas sa exam sa halip, magtanong ka ng mga bagay na may kinalaman sa inyong tinalakay na lesson.