Inanunsyo kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapatay ng isang Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader na may anim na warrant of arrest sa engkuwentro sa karagatang sakop ng Parang, Sulu, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, ang napatay na si Badong Muktadil.
Base sa ulat, si Muktadil ay napatay bandang ala-1:10 ng madaling-araw sa dagat ng Barangay Silangkan, Parang, Sulu.
Napag-alaman na nagsasagawa ng maritime interdiction ang operating troops mula sa Fleet-Marine Forces ng JTF Sulu nang makaengkuwentro ang grupo ni Muktadil na lulan ng Jungkong-type watercraft at mahantong sa pagkapatay kay Muktadil.