Hiniling ni Quezon City Councilor Wins-ton ‘Winnie’ Castelo sa mga pribadong subdibisyon at mga military camp sa nasabing lungsod, partikular ang mga nasa kahabaan ng EDSA na payagang makadaan ang mga pribadong sasakyan at maliliit na public utility vehicle tuwing rush hour upang lumuwag ang traffic sa Metro Manila.

“Hinihikayat po natin ang mga private subdivisions diyan sa kahabaan ng EDSA kagaya ng Corinthian Gardens, White Plains at Green Mea-dows na to open up their gates for p­ublic use so that they can help ease down the heavy traffic along EDSA special during rush hour. This includes Camp Crame and Camp Aguinaldo,” ani Castelo.

Tiniyak naman ni Castelo na may mga paraan upang masiguro ang kaligtasan at privacy ng mga residente ng pribadong subdibisyon sa pamamagitan ng pagre-regulate sa pagbubukas ng kanilang mga gate tuwing rush hour.

Hiniling din ni Castelo sa pamahalaan na mag-deploy ng mga security personnel sa mga nabanggit na subdibisyon upang mabigyan ng proteksyon ang mga residente at walang magaganap na masasamang insidente oras na binuksan ang kanilang gate sa publiko.

Hinggil sa Camp Crame at Camp Aguinaldo, sinabi ni Castelo na mandato ng mga kampong ito na pagsilbihan at pangalagaan ang publiko sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga motorista tuwing rush hour.

“The rich should open their properties to the suffering commu-ters. But I would state it clear that I don’t intend to jeopardize the security of these private subdivisions, because there are ways to safe guard their security and institute measures that will also secure their privacy,” he added.