Sudanese, Yemeni arestado sa P5M shabu, marijuana

Mahigit P5 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasakote sa dalawang dayuhan na isinailalim sa buy-bust operation sa Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga naarestong suspek na sina Yassin Mohamed Abbas, Sudanese, at Hood Abdulgawi Salem Alashwal, Yemeni, parehong nasa hustong gulang.

Nasakote ang dalawa bandang alas-nuwebe ng gabi noong Pebrero 4 ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Aniya, miyembro ang dalawang suspek ng large-scale drug web syndicate na nagsasagawa ng kanilang operasyon sa mga lalawigan. (Dolly Cabreza)