Sugar pinutakti sa panghaharot kay Alden

tonite-this-is-it-roldan-castroNag-sorry sa mga fan ni Maine

Kinuyog si Sugar Mercado ng mga fan ni Maine Mendoza dahil sa pakikipagbiruan at panghaharot kay Alden R­ichards.

Parang tinanong ni Sugar na never nagustuhan ni Alden si Maine sa kumalat na video.

Humingi ng despensa si Sugar sa imbudong mga fan.

“Pasesya bibiruan lang kami gusto ko si Maine.”

Hindi pa rin siya tinigilan ng mga faney na galit. Close daw ba sila ni Maine para gawing biro?

***
Speaking of Alden, tuloy-tuloy talaga ang suwerte na tinatamasa niya. Hindi lang sa larangan ng showbiz kundi pati sa kanyang business ventures.

Matapos kasi ang successful opening ng kanyang first fast-food franchise sa Laguna, heto naman at may reope-ning ang kanyang restaurant na Concha’s Garden Café sa Cavite.

Sa larawan na ipinost ng GMA Artist Center sa Instagram, makikita si Alden na masayang-masaya at excited na katabi ang business partner at owner ng Concha’s na si Gemma Sembrano para sa ribbon-cutting ng restaurant. Dagdag bonus pa ay open na rin ang restaurant nina Alden at Gemma for franchising.
***

Gabbi nakatanggap ng wedding proposal

Ang haba talaga ng hair ng global endorser na si Gabbi Garcia! Walang kaduda-duda na marami ang talagang nahuhumaling sa Kapuso actress dahil sa kanyang ganda at talento.

Kamakailan nga lang, isang lalaking fan na grumaduate sa kolehiyo ang nag-propose kay Gabbi sa isang graduation photoshoot. Mayroon pa siyang hawak na papel kung saan nakasulat ito, “Gabbi Garcia graduate na me. Ready na akong pakasalan ka.”
Talbog!