Pinabulaanan ng dancer-host na si Sugar Mercado ang isyu na may relasyon sila ng Wowowin host na si Willie Revillame. Wala umanong kaalam-alam si Sugar na mayroon palang intriga na kumakalat.

Hindi umano niya ma-imagine na madikit ang pangalan sa veteran host lalo na at parang tatay ang turing nila rito. Ikinwento pa niya na mapagkakatiwalaan si Willie sa lahat ng bagay dahil sa kabaitan nito.

Ipinagdarasal pa nga ni Sugar na sana’y magkaroon ito ng lovelife. Hinihiling nila na sana dumating na yung right one na magmamahal ng totoo kay Willie at mag-aalaga sa kanya.

Iginiit din niya na ang relasyon niya kay Willie ay bilang boss at kaibigan niya. Natawa na lamang siya sa isyung ito at sana’y itigil na umano ang paggawa ng tsismis na wala namang katotohanan. (Ronda)