Isang pawikan ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nagsasagawa ng maritime patrol sa Sacol Island sa Zamboanga City sakay ng barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Isang uri ng ‘Olive Ridley Turtle’ na tinatawag ding Pacific ridley sea turtle ang nailigtas na kabilang sa limang turtle species na matatagpuan lang sa Pilipinas at protektado sa ilalim ng Wildlife Resources and Conservation Act at Fishery Code.
Nakitaan ng sugat ang pawikan sa kanyang tiyan kaya nahihirapan itong kumilos.
Dinala ng mga tauhan ng PCG South Western Mindanao ang pawikan sa Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office upang magamot at kaagad maibalik sa kanyang natural habitat.