Suicide sa courtroom

suicide

Nag-suicide sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili gamit ang gunting ng isang American  matapos mahatulan ng apat na taong pagkakakulong sa Taiwan.

Kinilala ang nag-suicide na si Tyrel Martin Marhanka, 41-anyos, American national, na napatunayang guilty dahil sa pagtatanim ng marijuana.

Ginawa umano ng akusado ang pagpapakamatay matapos itong basahan ng sakdal sa loob mismo ng sala ng korte kung saan ginanap ang pagdinig sa kinakaharap nitong kaso.

Hindi umano nakitaan ng masamang balak, ayon sa korte sa Taichung, ang akusado dahil nakikipagtulungan ito sa mga awtoridad sa imbes­tigasyon at paglilitis.

Iniimbestigahan ngayon ng korte kung papa­anong naipasok ng akusado ang gunting sa loob ng korte. (AFP)