Sulat pambuwelta kay Greta ikinasa ni Annabelle

Ni Allan Diones

Totoo kayang may 10-page letter na sinulat si Tita Annabelle Rama bilang buwelta niya kay Gretchen Barretto na tinawag na ‘sawsawera’ ang anak niyang si Ruffa Gutierrez?

Nu’ng mag-toast kasi si Ruffa for her mom nu’ng birthday party nito last weekend ay sinabi ni Ruffa na huwag na raw nitong i-post ang nasabing letter dahil peaceful na ang lahat.

“Tapos na ang giyera, Ruffa. Minsan lang ako sumagot, tapos na,” natatawang dayalog ni Tita Annabelle.

Kaya naman nu’ng udyukan siya ng kaibigan niyang si Tita Daisy Romualdez na, “Tirahin mo na si Gretchen, ‘Day!” ay ang bilis ng sagot ng birthday girl na, “Tapos na, ‘Day!” at natawa na lang siya.

Nakakaaliw si Tita Daisy, may paggatong talaga. Ha! Ha! Ha!

Pero wala na nga kasing mga parunggit si Greta sa Instagram Stories nito, so behaved na rin si Tita Annabelle.

Ayon kay Ruffa, hindi na masyadong palaaway ang madir niya na gaya ng dati. Very peace-loving na raw ito at very sweet.

Salamat daw sa BFF nitong si Mother Lily Monteverde, na palagi nitong kasama halos araw-araw.

Nakabalik na ng bansa si Gretchen mula sa Amerika at pumarty na agad ito sa isang yayamaning kaibigan nila ni Tonyboy Cojuangco. Nandu’n din sa party ang nali-link kay Greta na si Atong Ang, na ang caption niya sa isa niyang IGS photo ay bago raw niyang “spokesperson”.