Dumating na kagab­i, Miyerkules, Abril 26, ngayong taon si Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam para sa kanyang state visit sa Manila.

Ang Sultan ng Brunei ay sinalubong ng mga opisyal ng Pilipinas na kinabibilangan nina Philippine Ambassador to Brunei Meynardo Montealegre, Department of Finance (DOF) Secretary Sonny Dominguez, Pasay City Rep. Emi Calixto-Rubiano at Pasay City Mayor Tony Calixto.

Ayon kay Presidential Spokeperson Ernesto Abella, makikipagpulong si Bolkiah kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang tatalaka­yin ng dalawang lider ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa kapakanan ng dalawang bansa.

“The two Leaders are expected to exchange views on pressing bilate­ral and regional issues of concern, including matters with respect to peace and security, trade and investments, and ASEAN (Association of Southeast Asian Nations Summit),” ani Abella.