Dear Sir:

Dapat tayong mga sibil­yan, kung mayroon lamang na panahon at ­kakayahang tumulong sa gobyerno, bakit hind­i tayo sumali sa Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines.

Nang sa ­ganoon kahit papaano ay mapaglingkuran din natin ang ating bayan. Mayroon tayong responsibilidad na pangalagaan natin ang kapakanan ng ating bansa at ang ating sambayanan.

Lalo na ngayon, ­matindi ang labanan kontra sa droga at terorismo. Kailangan pa ng isang grupo na aayuda sa ating mga awtoridad. Bilang isang reservist, mayroon tayong­ pribilehiyo na tumugon­ sa mga pagkakataon na nanga­ngailangan ang ating bayan at mamamayan.

Kaakibat ng reservist­ ang mga regular members ng AFP. Mayroon din s­ilang mga ranggo.

Ang pinakasikat na miyembro ng Reserve Force ay si Sen. Manny Pacquiao at ang dating Bise Presidente na si ­Jejomar Binay at iba pang mga local officials. Sila ang pinapatawag kapag nasa kalamidad ang bans­a upang maging kapartner ng AFP sa pagtugon sa mga nangangailangan nating mga mamamayan.

May plano ang ating Pangulo Duterte na mas patatagin pa lalo ang ­sangay na ito. Palalakasin­ ang Reserve Force. Bibigyan ng sapat na mga kagamitan at pondo upang maraming mahikayat na sumanib dito.

Kaya ipanalangin natin at suportahan ang ating Pangulo Rody Roa Duterte sa kanyang mga magagandang hangarin para sa kapakanan ng lahing Pilipino.

ALBERT A. CADION­ II

***

Dear Editor,

Sa wakas pinakawalan na rin ang ilang kidnap victims ng Abu Sayyaf. Ito ay bunsod na rin ng ubos lakas na opensiba ng tropa­ ng Sandatahang Lakas o ng AFP. At ito ay dahil na rin sa tulong ng Moro ­National Liberation Front or MNLF, hindi man humingi ng ­tulong ang ating gobyerno sa kanila ayon sa tagapagsalita ng AFP.

Matatandaang pinugutan ng ulo ang dalawa­ sa mga kasamang nakidnap noong nakaraang taon ni Sekkingstad­, isa sa mga pinalaya ngayon­.

Samantalang ang isa pa nilang kasama na si Marites Flor, isang Filipino na girlfriend ng isa sa mga napugutan ay pinalaya rin noong Hunyo. Nagpasalamat si Sekkingstad sa ating gobyerno dahil napalaya na rin siya at ang tatlong Indonesian.

Sana tuluy-tuloy na ang ganitong pagpapalaya sa iba pang nasa poder­ pa ng Abu Sayyaf para hindi na lumala pa at mapolbos pa sila gaya ng gustong mangyari ni Presidente Digong.

Sala­mat din sa mga kasundaluhan ng ating bansa dahil sa patuloy nilang pagtupad sa kanilang sinum­paang tungkulin.

MANOLO GONZAGA