Lumabas ang utak matapos mapisak ang ulo ng isang rider matapos magulungan ng isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Rogelio Azcueta, 59, empleyado, at residente ng 840 Fullom Street, sa Tondo habang bahagyang nasugatan ang kanyang back rider na si Jennet Haniel, 40, empleyado, at residente ng 746 Pampanga Street sa Tondo.
Sumuko naman ang tsuper ng pampasaherong jeep na si Gimar Duhaylungsod, 33, ng 177 San Luis Street, Tibagan, San Juan City.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Christopher David, ng Manila Police District (MPD)-Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS), dakong alas-7:40 ng gabi nang maganap ang aksidente sa westbound lane ng Claro M. Recto Avenue, sa kanto ng Severino Reyes Street sa Tondo.
Minamaneho ni Azcueta ang isang Honda Wave motorcycle (ND-80702), kaangkas si Haniel, at bumabagtas pakanluran sa Claro M. Recto Avenue nang bigla umanong sumemplang ang mga ito nang mawalan ng balanse matapos na mapadaan sa isang steel platform sa kanto sa Severino Reyes Street.
Paparaan din sa lugar si Duhaylungsod at namamasada sakay ng kanyang passenger jeepney na may plakang DFJ-179 at may rutang San Juan-Divisoria, kaya nagulungan ng kanang gulong nito sa unahan ang ulo ng biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.
Bahagya lamang na nasugatan si Haniel sa insidente.
Nakatakda naman sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang tsuper.
Iba talaga batas sa pinas????
Dito pag nabangga k n Wala Ka sa tamang lugar, ikaw pa ang magbabayad
anong klaseng batas ito,,,
Di ko maintindihan ang mga ganitong kaso. Hindi ba walang kasalanan ang tsuper kasi hindi naman nya magugulungan yung rider kung hindi ito sumemplang? Kasalanan ito ng rider kasi sya ang hindi naging maingat.