Summer gala

May plano ka na ba para sa Summer get away mo? May naisip ka na ba kung Saan ka pupunta ngayon Summer? Napaaga nga­yon ang Summer ng family ko kasi ayaw namin makipagsiksikan sa mga bus station kaya nga­yon pa lang inuumpi­sahan na namin pumunta sa mga lugar na gusto naming mapuntahan. Isa sa una namin pinuntahan ay ang bayan ng Isabela sa Norte. May 12 oras ang biyahe kaya ayaw po namin magdala ng sasakyan dahil mahirap mag-drive sa malayong lugar kasi nakaka-stress sa traffic at long drive. Kaya naman naisip namin na sumakay sa Victory Liner. Nakatutuwa kasi mas kumportableng sumakay sa bus lalo na kasi may sariling toilet sa loob ng bus at kumportable ang mga umpuan. May Libreng water bottle pa at mamon. Nakarating kami ng Isabela nang maayos at ligtas dahil sa maayos ang pagtakbo ng bus driver.

Tips kung ano ang mga dapat dalhin at susuotin sa pag-travel.

1.Dahil sa mainit na panahon dapat magdala ng mga light colore­d T-shirt na puwedeng ipares sa short at pantalon.

2. Dahil malamig ang aircondition sa loob ng bus dapat magdala ng cardigan or hoody para ipatong sa iyong suot.

3. Rubber shoes, sneakers, topsider, and slippers ay ilan sa mga dapat na dala para kumpor­table ang iyong paa sa paglalakad.

4. Huwag kakalimutan ang bandana, cap, o hat para sa ulo. At shades sa mata para panlaban sa init ng araw.

5. Magdala din ng Sun block para proteksyon sa balat.

6. Magdala ng ilan underwear, sando o sleeveless shirt at face towel.

Ito ay ilan sa mga mahahalagang gamit na hindi dapat kalimutan sa paglalakbay.

Maligayang paglalakbay ngayong summertime.