SUNANG KUMPIYANSA SA SEA GAMES GOLD

Positibo ang  r­eigning Philippine long jump queen at Southeast Asian Games at national record holder na si Marestella Torres-Sunang na mababawi niya ang titulo na magiging panlima niyang gold medal sa 29th SEA Games 2017 sa K­uala Lumpur, Malaysia sa darating na Agosto 19-31.

Pinahayag ng B­arangay San Roque, San Jose, Negros Oriental pride ito nang mapadalaw kahapon sa dati niyang training venue Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila upang asikasuhin ang kanyang mga papeles para sa sixth stint niya sa nakatakdang b­iennial sportfest.

“Kaya pa naman na­ting manalo,” wika ng magte-36 sa Pebrero 20 na si Torres-Sunang, nagtala ng second perso­nal best jump na 6.71 m­eters noong 2011 SEAG sa Palembang, Indonesia na nanatili pa rin hanggang ngayong SEAG record.

Siya’y may PB na 6.72m sa Kazakhstan Open noong Hulyo 2016 sa pag-qualified niya sa Rio de Janeiro Olympics nung Agosto. Ito rin ang bagong national record.

“Serbisyo pa rin po tayo para sa bansa,” hirit ng four-time SEAG long jump queen nung 2005 sa bansa, 2007 sa Thailand, 2009 sa Laos at 2011. Nagbuntis at nanganak siya nung 2013 at naka-bronze sa 2015 Singapore SEAG sa pagbabalik.

“Para sa akin, ang magpapa-retire naman sa atleta ay iyung injury eh,” dagdag ni Su­nang, na three-time Olym­pian noong 2008 sa Beijing, 2012 sa London at 2016 sa Rio. Nag-Asian Championships gold winner na rin siya nung 2009 sa Guangdong, China tapos naka-silver at bronze sa 2005 Incheon, Korea at 2002 sa Colombo, Sri Lanka.

Magwa-warm-up muna sa ilang internatio­nal meets  ngayong taon si Torres-Sunang bago mag-SEAG. Ilan sa balak ng Philippine Athletics Track and Field A­ssociation ang isabak siya sa Asian Championships sa Hulyo 1-4 sa Ranchi, India at sa National Open sa Pebrero 28-Marso 2 sa Ilagan City, Isabela.

“Siyempre kailangan kong panindigan ‘yung posisyon ko sa natio­nal team, kaya importante na maganda ang maipakita ko sa National Open. Katawan ko lang sigu­ro ang magsasabi kung kaya ko pa o hindi, pero sa ngayon, maalaga naman ako sa sarili ko at ramdam ko naman na kaya ko pa talaga,” pana­pos niya.