Sundalo huli sa buy-bust sa Pagadian City

buy-bust

Posibleng masibak sa serbisyo ang isang Army corporal matapos arestuhin sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa loob ng isang hotel sa Pagadian City kamakalawa.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Cpl. Lehamber Baclay Acosta, 31-anyos, nakatalaga sa 1st Signal Battalion Army Signal Regiment ng Joint Task Force Basilan.

Sa ulat ng Pagadian City Police, bandang alas-7:35 ng gabi nang isagawa ang raid sa isang hotel sa Purok Chico Hills, Brgy. Tuburan sa nasabing lungsod.

Magkatuwang sa operasyon ang Pagadian City Police at Zamboanga del Sur Provincial Drug Enforcement Unit na kung saan nagsilbing poseur buyer ang isang asset, at habang iniaabot ng suspek ang shabu kapalit ang halagang P1,000 ay pinosasan ito.