Sundalo kinasuhan sa sipol

Imbes na simpleng kaso lang, nadagdagan pa ang kinakaharap na asunto ng isang miyembro ng Philippine Navy (PN) dahil sa pagsasabing “maluwang ang ari” at pinagmistulang pokpok ang isang 18-anyos na dalaga sa Cavity City, Cavite.

Kasong unjust vexation at grave oral defamation ang kinakaharap ngayon ni SNI Mark Allan Bebiera, 30, nakatalaga sa Naval Special Ope­ration Group (NAVSOC) sa Sangley Point, Cavite City, at residente ng P. Gomez St., Brgy. 62M, Cavite dahil sa reklamo ni Santa, 18, dalaga.

Sa ulat ni Corporal Richard Glean ng Cavity City Police Station, ala-una kahapon nang madaling-araw, nang naganap ang insidente sa harapan ng lugawan ng biktima kung saan napadaan ang nakainom na suspek.

Sinipulan umano ng suspek ang biktima na ikinairita nito kaya tinarayan ng huli. Sa galit ng suspek ay sinabihan ito ng “WASAK NA WASAK ANG K*K* MO, MABABANG URI KA NG BABAE, PERA LAMANG ANG HABOL NIYO, ISANG LIBO O DALAWANG LIBO KA LANG.”

Dahil sa pangyayari, nagsumbong ang biktima sa barangay kaya dinampot ang suspek.

“Tinangkang ayusin ang kaso sa barangay kaso nagreklamo na rin ang pamilya ng biktima dahil sa mga sinabi ng suspek,” ayon kay Glean. (Gene Adsuara)