Nasawi ang isang sundalo makaraang aksidenteng malunod habang naliligo sa Balingan falls sa Lamitan City sa Basilan kamakalawa.

Tinukoy ang biktima na si Corporal Mark Pascual, 33, residente ng Barangay Sunrise, Isabela City ng nasabing lalawigan na kasalukuyang nakatalaga sa 74th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Wala pang kompletong inilabas na detalye ang kapulisan at militar sa Basilan kung paano nangyari ang insidente.

Inaasahang dadalhin ang labi ng nasawing sundalo sa kanilang tahanan sa Isabela City.

Labis namang ikinalungkot ng pamilya at mga kakilala ng sundalo matapos malaman ang pagkamatay nito.