Sundalo serye ni Gerald sisibakin

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi nga ba masaya ang powers that be sa Mother Ignacia station kasi ang “A Soldier’s Heart” eh underperforming sa ratings?

Diumano, pag lifted na ang quarantine at back to regular programming ang lahat, tatapusin na nga ba agad ang sundalo serye nina Gerald Andersons, Carlo Aquino, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores, Nash Aguas? May katotohanan nga kaya ang chikang ito mula sa dalahira creative writing class?

Pero sa true lang, ang lambingan nina Jerome at Yves sa serye ang mas tumatak sa inyo at wala kayong masyadong pakialam kung hindi ratings winner ang primetime drama nila.