Patay ang isang sundalo matapos barilin ng riding-in-tandem suspects kamakalawa ng gabi sa Carmen, North Cotabato.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan at napatay agad ang biktimamg si Pfc. Restuben Baguiran, nakatalaga sa Division Training School ng 6th Infantry Division, Philippine Army sa Carmen, North Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Jonathan Tangonan, lulan ng kanyang XR 200 motorcycle ang biktima sa Molave St., Purok 2, Brgy. Poblacion, nang biglang harangin ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente.