Sundalong nasugatan balik Marawi

Bumalik muli sa bakbakan ang mga sundalo ng Phi­lippine Army na nasugatan sa giyera sa Marawi City.

Bandang alas-kuwatro ng hapon nang lumipad patungong Marawi City sakay ng Cebu Pacific ang hindi bababa sa 10 mga sundalo para muling su­mabak sa giyera laban sa mga Maute.

Ayon kay Lt. Col. Rey Tiongson, chief ng Public Affairs Office ng Philippine Army, buong-buo ang loob ng mga sundalo na bumalik sa kanilang unit para ituloy ang nasimulang operasyon laban sa mga Maute terror group na naghasik ng terorismo sa Marawi City.

Lubos din ang pasasalamat nila sa mga private sector na patuloy na sumusuporta sa kanila.