Sundalong Pinoy, gumawa ng kasaysayan sa Hawaii Army National Guard

Nagmarka ng kasaysayan ang isang Filipino-American sa Hawaii Army National Guard.

Ito’y matapos niyang ma-promote mula colonel tungong brigadier general sa isinagawang seremonya sa Washington Place, ayon sa Honolulu Star-Advertiser report.

Si Roy J. Macaraeg ang kauna-unahan umanong Fil-Am soldier na nakarating sa ranggong general officer sa Hawaii Army National Guard.

“I want to thank everybody who made me who I am today,” ani Macaraeg sa ABS-CBN report.

Mayroon nang 29 na taon na military service si Macaraeg.

Kabilang dito ang posisyon niya sa Pentagon at pagkaka-assign niya sa Iraq, Kuwait at Kosovo.

“If you want to be somebody, it’s just making sure you work hard. It starts with self-discipline to do what needs to be done so that you can achieve whatever you want. I will say that anybody listening out there, if you’re young, and you’re thinking about doing something, go do it. Figure it out,” dagdag pa niya.

Nagtapos umano si Macaraeg sa Wallace Rider Farrington High School at maraming college degrees kabilang na ang master of science in national strategy sa National War College. (IS)