Kahit nawala na sa eksena nang mamatay noong 2012, nagbalik ang pangalan ng pamosong Sunday Silence (Halo-Wishing Well) nang manguna na naman ang kanyang pangalan bilang 2016 leading broodmare sire.
Ang pinaka-successful na stallion sa history ng Japan, nakapasok ang pangalan ni Sunday Silence sa listahan ng Blood-Horse Magazine. Siya ang leading sire sa Japan sa loob ng 13 taon mula 1995 hanggang 2008.
Ipinanganak noong 1986, si Sunday Silence ay kampeon sa 1989 Kentucky Derby at Preakness Stakes at sa Breeders’ Cup Classic at umabot sa 2,000 mares ang kanyang naserbisyuhan sa stud sa Northern Farm sa Hokkaido, Japan.
Nasa ibabaw ng standings ang kanyang progeny earnings na $21.25-million.
Pasok ang kabayong Lani sa US big-time racing. Si Lani ay anak ni Tapi kay Heavenly Romance, Group-1 winning daughter ni Sunday Silence.
Nakatakbo ito sa 2016 US Triple Crown Series matapos ang panalo sa UAE Derby. Pangsiyam siya sa Kentucky Derby, panlima sa Preakness Stakes, at pangatlo sa Belmont Stakes.
Nanalo ang progenies ni Sunday Silence sa mga international stakes races sa Dubai, Singapore, Hong Kong at Singapore.
Ang kanyang chief earner na si Duramente ay nanalo sa Nakayama Kinen at segundo sa Takarazuka Kinen sa Japan, segundo rin sa Dubai Sheema Classic. Meron na siyang earnings na $1.77-million.