Ang Isla de la Convalecencis ay isang maliit na isla sa Pasig River. Dito matatagpuan ang Hospicio de San Jose.
***
Ang Hospicio de San Jose ang unang bahay ampunan na itinatag sa Pilipinas. Ipinatayo ito noong panahon ng mga Kastila ni Don Francisco Gomez Enriquez at ng kanyang maybahay na si Doña Barbara Verzosa.
***
Ang Binondo sa lungsod ng Maynila ay ipinatayo ng Spanish governor general na si Luis Perez Dasmariñas upang maging permanenteng tirahan ng mga Chinese immigrants sa Pilipinas.
***
Isa ang Escolta sa lungsod ng Maynila sa pinakamatandang kalye sa Pilipinas. Naging sentro ito ng komersyo noong panahon ng mga Kastila.
***
Ang Burke Building na matatagpuan sa Escolta ay ipinatayo noong 1739. Ipinangalan ito sa pilantropong si William J. Burke. Ito ang kauna-unahang gusali sa Pilipinas na may elevator.
***
Ang First United Building na kilala rin sa tawag na Perez-Samanillo Building ay matatagpuan sa Escolta. Ang gumawa ng disenyo nito ay si Andres Luna de San Pedro, anak ni Juan Luna. Itinuring ito na pinakamataas na gusali sa lungsod ng Maynila matapos ipatayo noong 1928.
***
Ang Quezon Memorial Shrine sa Quezon City ay dinisenyo ni Federico Ilustre at ipinatayo noong 1950s.
***
Si Federicol Ilustre ay isang arkitekto na nagtrabaho sa Bureau of Public Works na ngayon ay Department of Public Works and Highways na. Nagtapos siya sa Mapua Institute of Technology.