Sunog sa Mandaluyong sumiklab, lola patay

Nasawi sa sunog ang 69-anyos na babae, habang nasa 350 pamilya ang nawalan ng tahanan sa Mandaluyong dahil sa sunog na sumiklab Sabado ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-tres ng madaling araw na tumupok sa nasa 200 kabahayan sa Brgy. Addition Hills at Nuebe de Pebrero, Brgy. Mauway.

Bago magalas-kwatro, umakyat pa umano sa Task Force Bravo ang alarma at naideklarang fire out alas-5:40 ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Mila Carillo na natagpuan habang nagsasagawa ng mopping-up operation ang BFP.

Nabatid na ito ang pangalawang sunog na naganap sa Barangay Addition Hills sa loob ng isang linggo. (Vick Aquino)