Tinatayang aabot sa P200,000 ang naabo sa nangyaring sunog sa military storage unit sa loob ng Camp Aguinaldo, Lunes nang hapon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa Property Reutilization and Disposal Division dakong alas-dos nang hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog, na nadeklarang fireout dakong alas-3:29 nang hapon.
Iniimbestigahan pa ang pinagsimulan ng apoy.