Sunog sumiklab sa Salam Compound, QC

Sumiklab ang sunog sa Salam Compound, isang residential area sa Barangay Culiat, Quezon City Sabado ng hapon.

Batay sa Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog alas-3:11 ng hapon kung saan umabot ito sa second alarm.

Nadeklara naman agad na under control ang sunog 30 minuto ang nakakalipas.

At bandang alas-3:48 ay tuluyan nang naapula ng mga bombero ang apoy sa nasabing residential compound. (RP)