Sunshine, aprub sa mga anak ang pagpapainit

Sunshine Cruz

PUNUMPUNO ang Valkyrie (BGC, Taguig City) kamakalawa nang gabi, kung saan ginanap ang victory party ng FHM 100 Sexiest 2016.

Opening production number si Sunshine Cruz, ang unang Pinay cover girl ng FHM Philippines.
Ipinagpaalam ni Sunshine sa kanyang mga anak ang pagpapasiklab niya rito.

Bonggang pampainit si Sunshine, huh!

Roxee B, starstruck sa alindog ni Marian

Hollywood ang tema ng event kaya gown kung gown ang Pretty Women & Beautiful Girls na kasama sa Top 100 Sexiest list.

Masigabo ang palakpakan kay Marian Rivera na iniluklok sa FHM Hall of Fame.

Gandara si Marian kaya deserving siya sa taguring Hot Momma.

May mga sumigaw ng “I love you!” kay Marian.

Masayang reaksyon ni Marian, “Thank you but I’m taken, sorry! Ha! Ha! Ha! With baby!”

Rhian Ramos
Rhian Ramos

Ang host na si Roxee B, na-starstruck pa rin kay Marian. Sa totoong buhay ay best friends sila.

Enjoy si Marian sa pagrampa pero ‘yun na nga, “Kailangan ko nang umuwi!”

Daiana, ipinasilip ang ‘pisngi ng langit’

Marami sa Top 100 ng FHM ang repeaters at hindi gaanong nagmarka sa kalalakihan.

Hindi masyadong nag-react ang audience sa pagrampa nina Rizza Diaz, Roxee B, Maica Palo, Debbie de la Cruz, Paulene So, Lhea Bernardino, Jahziel Manabat, Synshien Garcia, Dawn Chang at iba pa.

Agaw-eksena ang slit sa gilid ng gown ni Daiana Menezes. Sumilip ang ‘pisngi ng langit’ nito.
Kasunod na rumampa sina Aiko Climaco at Bangs Garcia (na lilipad pa-London this Saturday para doon mag-pre-nup pictorial).

Marian Rivera
Marian Rivera

Malakas ang dating ng flawless na si Kim Domingo, na wala sa Top 100 last year pero #9 na sa listahan ngayong 2016.

Marami-rami rin ang humiyaw at pumalakpak kay Rachel Anne Daquis, na sinundan nina Rochelle Pangilinan at Sunshine Cruz.

May kani-kanyang moment sina Max Collins, Sam Pinto at Rhian Ramos na pawang ininterbyu ni Roxee B.

“I can’t believe I’m here! I’m so excited!” nakangiting bulalas ni Rhian, na payanig ang backless na damit.

“Thank you so much for everyone who supported my cover. It’s really insane ever since!”

Syempre pa, may may sumigaw rin ng “I love you!” sa dalagang bida sa teledramang Sinungaling Mong Puso.

Reaksyon ni Rhian, “Who said that? I love you… silly man you!”

***

Max Collins
Max Collins

Syempre pa, pangabog ang #1 sa listahan… ang Sexiest Pinay 2016 na si Jessy Mendiola.

Hindi magkamayaw ang audience nang rumampa ang marilag na señorita.

Sabi ni Jessy, hindi lang siya ang sexy kundi ang lahat ng nasa Valkyrie nang gabing iyon.

“I have a different type of body from the usual sexy,” aniya pa.

Aniya pa, “Talo ko pa si Pia Wurtzbach, di ba? Nakakaloka ang ganito! Sobrang overwhelming!”

Ling si Pia eh confidently beautiful with a heart, si Jessy eh “confidently sexy with a heart!”