
Nasa “patola” mood ngayon si Sunshine Dizon dahil pinagpapatulan niya ang kanyang mga bashers na nag-comment sa kanyang Instagram account.
Nagtaray ang aktres sa isang basher na nakikialam daw sa buhay nila ng asawang si Timothy Tan. Burado na ang komento ng netizen dahil bukod kay Sunshine ay nakatikim din ito ng pagtataray mula sa fans.
Sa totoo lang, panalo ang sagot ni Shine na halatang napikon talaga sa basher. Ipinagdiinan niyang asawa pa rin niya si Timothy dahil wala naman silang annulment pa. At winner ang linya niyang choice niya kung habang buhay na maging kabit ang mga kabit.
“Wala po kayong pakelam sa buhay ko at set up namin ng asawa ko. Wala kayong alam sa buhay namin. I repeat ASAWA dahil walang annulment. Hindi din ako binibigyan ng annulment ng asawa ko. Wala kayong pakealam kung mag tiis ako at pag tiisan ko kung ano man nagawa saakin kasi choice ko yun kung gusto kong habang buhay maging kabit ang mga kabit.
“Ang asikasuhin nyo buhay nyo hindi yung kung saan saan kayo nikikisawsaw at nag mamagaling. You People are of a special kind of breed, ang lungkot siguro ng buhay mo para pag aksayahan ako ng oras. wala kang alam sa sakripisyo ng isang ina na lulunukin ang lahat para sa mga anak nya.
“Isa pa Pinakaelaman ko ba ang buhay mo? Tigilan nyo ako atupagin nyo na wag kayong lukohin ng mga asawa nyo,” ang mahabang sagot ni Sunshine.
Bukod dito ay sinagot nga rin ng aktres ang mga pangba-bash sa kanya tungkol sa kasambahay nilang nagreklamo kay Raffy Tulfo.
Well, tama lang naman na ipagtanggol ni Sunshine ang sarili niya at sagutin kung may dapat sagutin para malinawan din ng lahat at para na rin ilagay ang mga bashers sa mga dapat nilang kalagyan.
Power trip binasura ni Tetay
May spokesperson na ngayon si Kris Aquino para sa kanyang kaso sa dating manager/accountant na si Nicko Falcis at ito ay si Atty. Enrique dela Cruz na senior partner sa Divina Law Office na siyang humahawak ng kaso.
Ipinost na ni Kris ang video ni Atty. Dela Cruz na nagbibigay ng update tungkol sa kaso.
Sa caption ng video, sinabi ni Kris that the lawyer will speak on her behalf at hindi na raw siya magpo-post pa ng anumang may kinalaman sa kaso.
“Wisdom is knowing that my emotions affect my judgment… it has also taught me that when being provoked, my enemies cause harm and malign people they know matter to me… after this posting everything about my ongoing legal battles won’t appear on my feed.
“@atty_buko, Atty Enrique dela Cruz, senior partner DIVINA LAW (on FB he is Buko dela Cruz) will speak on my behalf to update all of you about what’s happening,” ang bungad ng caption ni Kris.
Patuloy niya, inirespeto raw niya ang naging desisyon sa Makati at Pasig at nanahimik sa lahat ng ibinato sa kanya kabilang dito ang akusasyong “power-tripping.”
“As i said, hindi ito trial by publicity, social media, or followers. This is respect for the Philippine judicial system & respect for the honorable men & women of the DOJ, the RTCs, Courts of Appeal, all the way to the Supreme Court.
“Nanahimik po ako sa nangyari sa Makati at Pasig, hindi namersonal, ginalang ang desisyon at sinunod ang tamang proseso. I shall end there because alam kong matalino kayo. Lahat ng binato sa ‘kin na ‘power tripping’ my actions & the steps taken by my legal teams have proven all allegations WRONG. No need to ask questions that have very obvious answers,” bahagi pa ng caption ni Kris.
Mukhang medyo maganda rin ang health ni Kris ngayon base na rin sa aura niya sa mga latest videos niya. (Vinia Vivar)