Sunshine Dizon mas ‘hot mama’ na ngayon

Sunshine Dizon

MAITUTURING na rin na ‘Hot Mama’ si Sunshine Dizon!

Kung noon, parang palaging minamanas si Sunshine dahil obvious na mataba siya, ngayon na naghiwalay na sila ng mister na si Timothy Tan, biglang sexy na kaagad ang Kapuso actress!

Nagagawa nang magsuot ni Susnhine ng sexy clothes, ‘noh?!

Syempre, maraming nagkokomento na kaya nagpapaganda ngayon si Sunshine ay para ipamukha sa estranged husband niya na hindi siya ‘yung talunan sa hiwalayan nila.

Although ikinaila ito ng aktres, still, mara­ming naniniwala sa bagay na ito at nagsasabing dapat lang na magpaganda si Sunshine at patunayan kay Timothy na nakakapanghinayang na hindi na nito maaangkin ang taglay niyang alindog, huh!

Kapareho ni Sunshine Dizon ang katukayo niyang si Sunshine Cruz!

Noong mahiwalay si Sunshine sa mister na si Cesar Montano, aba, hindi rin nagpabaya ang dating sexy actress at pinatunayang kaya niyang maging sobrang sexy uli!

Panay ang post ngayon ni Sunshine Cruz na naka-two-piece bathing suit! Teka! Si Sunshine Dizon kaya, kailan naman magpo-pose na naka-two-piece?

Hindi kaya isa sa mga araw na ito ay mabigla na lang tayo at cover girl na siya ng FHM?