Sunod-SUNOD ang mga nakuhang parangal ng Ika-6 Na Utos at ng mga bida nito. Isa na nga yata ito sa pinaka matagumpay na afternoon prime ng GMA-7 na hindi lamang sa consistency of its highest rating, maging sa mga pag-recognized sa cast sa pagtanggap ng mga awards.
Sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon ay parehong naunang tumanggap ng International recognition as Best Actor & Actress bilang sina Rome at Georgia.
Then, heto at itinanghal na naman silang Best Actor & Best Actress ng 7th OFW Gawad Parangal. Ang cute ng picture nina Sunshine at Gabby na pareho nilang hawak ang mga trophy nila habang nakatingin sa isa’t isa at nagpasalamat.
Kasama ang hashtag na #TeamAsawa.
Parang feeling nasa heaven naman si Ryza Cenon na itinanghal naman na Best Supporting Actress. Ito ang isa sa matagal na pangarap ni Ryza na nagkatotoo.
Sigurado, may pa-lechon ang tatlo sa taping.
Wendell-Kukai wedding very intimate
Hindi pa man pinakakasalan ni Wendell Ramos ang kanyang non-showbiz partner na si Kukai Guevarra kunsaan, meron silang isang anak na babae, nakitaan na namin ang actor ng pagpapahalaga sa pamilya.
Madalas sa mga chikahan namin, nae-express niya kung paano niya pina-priority ang family. So after ilang years nga nilang pagsasama, pinakasalan na ni Wendell sa pamamagitan ng isang Catholic Church wedding ang live-in partner.
Kasama sa entourage ang anak nilang babae at ang ikalawang anak na lalaki ni Wendell na parte na rin talaga ng pamilya nila. Ang wala lang ay ang eldest son niya na nasa America.
Very intimate lang ang wedding at piling-pili lang din ang mga bisita. Basically, mga malalapit sa actor tulad ng mga kapatid niya sa PPL Entertainment, Inc. na part ng entourage na sina Gabby Eigenmann at Dingdong Dantes.
Ang manager nila na si Perry Lansigan ang isa sa mga tumayong Ninong.
Max Collins at Pancho Magno ikakasal ngayon
Kung noong Sabado, December 9 ay si Wendell Ramos ang kinasal, ngayong araw na ito, Dec. 11, isa pang talent ng PPL ang ikakasal, si Max Collins sa boyfriend nito na si Pancho Magno.
Sa Marriott Hotel nga ikakasal ang dalawa at doon na rin gaganapin ang reception.
Well sobrang love na love nga ni Pancho si Max, at makikita nga sa Instagram video niya kung paano niya papakin sa pisngi ang wife niya, ha!
Feel na feel mo nga na gusto na talaga niyang makasama sa isang bubong ang magandang Kapuso star.