NAGKAHARAP na ang mag-asawang Sunshine Dizon at Timothy Tan sa hearing ng mga kasong isinampa ng Kapuso actress sa kanyang asawa.
Ang unang dininig ay ang kasong Habeas Corpus na ginanap sa sala ni Judge Cleto Villacorta sa Branch 229 ng Quezon City Hall of Justice.
Bale pangalawang hearing na pala ito, at nagkita na ang mag-asawa sa unang hearing pa lang.
Umiwas si Timothy na magpa-interview. Ayaw na raw niya magsalita dahil sinabi niya noon na tama na ‘yung nagbigay siya ng statement nang pumutok ang balita.
Ang nag-represent sa kanya ay ang legal counsel niyang sina Atty. Ruth Castelo at Atty. Peter Sanchez na abugado rin dati ni Raymart Santiago sa mga kaso nila ni Claudine Barretto.
***
Bago sila sumalang ay nagpaunlak si Sunshine ng maikling panayam.
Sabi ni Sunshine, “I’m very hopeful for the case. We’re fighting the good fight. It’s up for the court to decide on it.
“I’m just really hoping that we’ll get the justice what we deserve.”
Inamin ni Sunshine na nasaktan siya sa mga nangyari pero kailangan na niyang mag-move on at hindi na siya magbigay ng panahon sa mga kanegahan.
Ani Sunshine, “Hindi naman ako naging plastik na hindi ako nasasaktan. Hindi ako galit but I choose to take out the negativity in my life and move on.
“Ayokong magpalamon sa mga pangit.”
Sinabi ni Sunshine na ina-allow niyang mag-usap sa telepono sina Timothy at mga anak niya, pero hindi sila puwedeng magkita.
Iyun ang ipinaglalaban ni Timothy sa korte.
Sabi naman ni Sunshine, ipinaintindi raw niya sa mga bata ang nangyari at unti-unti naman raw silang nakapag-adjust.
“It’s a little bit hard to explain to them. Pero I just explained that Daddy made a mistake and that he has to face the consequence of his action.
“Of course they feel sad that this happened.
“Pero, I allow them to talk to him on the phone.”
Sinundan namin ng tanong si Sunshine kung open kaya siya sa pagkakaayos kung sakali?
“Maybe for the children, yes. Pero ‘yung sa amin, wala na po,” deretso niyang sagot.
Wala na bang natirang pagmamahal sa asawa at napalitan na ito ng galit?
“Galit ako sa sitwasyon,” pakli nito.
“Hindi ko rin kayang patawarin ang ginawa sa akin. But I choose to move on because I will not allow that kind of toxic thing in my life to eat me up.
“I will not allow that. I choose to move on,” dagdag na pahayag ng Kapuso actress na binibiro na lang namin na Pirenang-Pirena pa rin ang dating niya.
***
Pagkatapos ng Habeas Corpus na hearing, dapat ay aakyat na sila para sa first hearing ng Anti-Violence Against Women at Concubinage, pero ni-reset na ito para sa August 10.
Itong Habeas Corpus ay maghi-hearing uli sa August 18.