Inireklamo ang mag-asawa na sina Sunshine Dizon at Timothy Tan ng dati nilang katulong na si Anabel Agullo dahil sa hindi umano nito pagbabayad sa kaniyang Social Security System (SSS) contributions at Philhealth Insurance.

Lumapit si Anabel sa Raffy Tulfo in Action para humingi ng tulong ukol dito. Samantala, inulan naman ang aktres ng pambabatikos sa kaniyang Instagram account.

Komento ng mga netizen sa kaniyang mga post:

@queensofpageantsph, “Treat your housemaid with respect. Saw her interview in tulfo in action. @Please lang po magbayad kyo mga benifits ng mga katulong..para wla issue.”

Sinagot naman ng aktres ang mga komento ng netizen at ipinaliwanag ang kanyang panig.

Bahagi ng kaniyang pahayag, “Ang pagkakamali namin na quarterly babayarin namin sa kanya ‘yung sa SSS na dapat kami na gumawa, we wanted for her to file as an individual para nga sana malaki makuha nya benefits.”

Hindi na raw umano niya kailangan pa na ungkatin pa o magpaliwanag siya sa isyu dahil baka hindi pa raw makakuha ng trabaho ang kaniyang katulong sa oras na magsalita pa siya.

Hiling naman niya sa dating katulong, “I just wish her well at makakita sya ng maayos na mapasukan. Tahimik at mapayapa na din kami na wala na po sya dito saamin.” (Ronaline Avecilla)