Sunshine palaban kay Ivana

NI: ROLDAN CASTRO

Mapangahas ang bagong contract star ng Viva Artists na si Sunshine Guimary.

Na-feature na siya last year sa Abante Tonite dahil sa 1.1M niyang followers.Maituturing siyang diyosa sa Instagram.

Sa pagpasok niya sa showbiz, ikinukumpara siya ngayon kay Ivana Alawi. Parehong silang hot, maalindog, palaban sa mga sexy pictorial.

Napabalita rin na umano’y unang inialok sa kanya ang role ni Ivana sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Pero dahil naka-stay siya sa Cebu hindi siya nakapagdesisyon agad.

Nagtatrabaho kasi siya bilang assistant manager ng isang construction company.

May rivalry na ang dalawa sa mga lahi ni Adan. Meron nang team Sunshine versus Team Ivana.

Kahit sa kanilang YouTube channel ay pareho silang maingay. Kamakailan ay trending si Shine sa kanyang ‘No Bra Challenge’

Anyway, kung bibisitahin ang Instagram account ng aspiring sexy actress, talagang matatakam ang bawat kalalakihan sa 36-25-36 niyang hubog ng katawan. May taas din siyang 5’6”.

Nagpapasalamat si Sunshine sa mga follower niya sa IG at mga nagsu-subscribe sa kanya sa Youtube.

“Mahal ko ang mga follower ko. For me blessing po ‘yung mapasok sa showbiz,” deklara niya.