TIMEOUT muna sa bangayan sina Emma at Georgia ng Ika-6 Na Utos.

Bisita sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon ng masayang barkadahan ng Bubble Gang bukas nang gabi sa GMA 7.

Hihingi sila ng tulong kay Tata Lino na mahilig magbigay ng double meaning na payo.

Ang advice kayang ito ng ermitanyo ang magpapa-cease fire sa dalawa for good?

‘Wag palampasin ang all-out tawanan hatid ng Bubble Gang bukas after Meant To Be.

***

Buti na lang at mawawala na ang karak­ter ni Troy Montero bilang boyfriend ni Iza Calzado sa teleseryeng A Love To Last. Grabe ang intensity ng mga eksena sa teleserye nang mahuli siya ni JK Labajo sa kanyang concert.

The height na dapat ng pag-assert ni Troy na siya ang bagong boyfriend ng nanay ng mga bata eh ang lamya-lamya ng acting ni Troy.

Buti na lang at tapos na yata ang role niya sa naturang teleserye. Sabi ng mga reporter, “Troy Was Not Meant To Last! Last niya na ‘yun ha! Hahaha!”

***

Nagpakilig sina Ashley Ortega at Enrico Cuenca bilang Sarah & Tonyo sa Daig Kayo Ng Lola Ko last Sunday.

Hindi na raw makapaghintay ang fans nila para sa part 2 nito this coming Sunday (May 28).

Iba kasi ang dating ng dalawa. Bagay na bagay sila together. Pero magkaroon kaya sila ng happy ending ngayong nagsisinungaling lang pala si Tonyo na siya ay mayaman?

Game over na kaya kapag nabuking siya ni Sarah?

Anu-anong mga bagong aral ang matututunan ng mga bata tungkol sa kwento nina Sarah at Tonyo?

Abangan!

***

May bago na raw teleserye sina Rocco Nacino at Sanya Lopez after kagatin ang loveteam nila sa Encantadia.

Malamang panghapon ang magiging slot nito na hindi natin sigurado kung makakatulong sa pagpapalaki ng sta­ture nila.

In any case, trabaho pa rin ‘yun and at least, tuluy-tuloy ang sweldo nila at exposure.

***

Bonggacious ang all-male bikini contest na Ultimate One 2017 bukas (Biyernes) nang 11:00 PM sa One 690, #39 Roces Av., QC.

Bet na bet Leklek Tumalad (0927-488-6886) Alias Virginia Pakaskas ang 11 contenders, kung saan kabilang sina Rayver de Vera, Nash Mendoza, Edison de los Santos, Amir Reyes, Mark Revilla, Mark Cortez Reyes, Hanz Vergara, Allan Denver Vergara at Jayvie Ramos.

Guests sina Allen Molina, Myles John Palisoc at JC Romero.

Iho-host ito nina Biritboy Tazdiva Reyes at Beki Belo.

Ang tiket ay P500.