STAR-STUDDED ang pagbabalik ng Celebrity Bluff ngayong Sabado (Hunyo 3), pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA 7.

Pasabog!

Sabi ng host na si Eugene Domingo, “Napakaraming bago dito sa show and excited na akong ipakita ‘yun sa lahat ng manonood.

“Hindi kasi ito ‘yung typical na game show, eh. It is all-in-one. May fun, entertainment, may matu­tutunan ka pa.

“So for me, para talaga ito sa lahat,” sabi niya.
Makikisaya sina Alden Richards, Brod Pete, Edu Manzano at Boobay.

Nakaka-covfefe ang tunggalian nina Sunshine Dizon & Ryza Cenon ng Ika-6 Na Utos.

Bonggacious din ang tagisan ng real-life best friends na sina Andrea Torres at Rochelle Pangi­linan, at Jennylyn Mercado & Sheena Halili.

Makikisaya rin ang Kapuso loveteams na sina Joyce Ching & Kris­toffer Martin, Bea Binene & Derrick Monasterio, at Bianca Umali & Miguel Tanfelix.

***

“Vanity of vanities! All is vanity!”

Maghahari si Ken Chan sa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na “Ang Luho ni Haring Vani Doso” bukas sa GMA Sunday Grande.

Dahil sa pagganti ni Alice (Jillian Ward) sa dati nitong mga kaklase na nagpahiya sa kanya sa Santacruzan, ikukuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa kanyang mga apo ang mapangmatang hari na si Vani Doso (Ken Chan).

Bilang isang gwapo at matikas na hari, galit at pinarurusahan niya ang mga pangit at hindi nag-iisip.

Nang magpagawa siya ng isang marangyang damit, maloloko siya ng dalawang nagkukunwa­ring mananahi.

***

Sumugod si Jessica Soho sa Resorts World Manila para malaman ang puno’t dulo ng kaguluhan at kumustahin ang pamilya ng mga biktima.

Tampok ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho bukas, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA-7.

May feature din ang KMJS sa leading men ng Meant to Be na sina Ken Chan, Addy Raj, Ivan Dorschner, at Jak Roberto.

Bilang pasasalamat ng JEYA sa fans, nakiki­paglaro sila sa mga ito ng Pie Face Challenge.

***

Kayanin kaya nina Katrina Halili, Valeen Montenegro, Archie Alemania at Pekto Nacua ang pamamuhay sa isang lugar na malayo sa siyudad?

Ito ang aalamin ni Heart Evangelista-Escudero sa Follow Your Heart bukas nang 5:00 PM sa GMA 7.

Sa bulubundukin ng Norzagaray, Bulacan ang destinasyon ng dalawang team para makilala ang mga katutubong Dumagat.

Binigyan ng pagkakataon ang celebrity guests na magdala ng 10 personal items.

Ito lang ang maaari nilang gamitin sa loob ng dalawang araw. Kumpiskado ang kanilang mga cellphone.