MUKHANG may mga pagbabago pa rin sa kuwento ng demandahan ng mag-asawang Timothy Tan at Sunshine Dizon, kasama pati si Clarisma Sison.

Noong nakaraang hea­ring ay walang sumipot sa kanila, kun’di mga abugado lang nila dahil mukhang magkakaroon daw ng pagkakasundo.

Ang pagkakaalam namin, inaayos na ito ng mga abugado nila. Pero tila naiiba ang takbo ng kuwento.

Nagkakalabuan na naman daw.

Tinanong namin si Timothy, ayaw naman kaming sagutin. May gag order kaya hindi siya puwedeng magsalita.

Sakaling magsalita siya, may basbas ito ng abugado niya. Pero sa ngayon ay wala pa rin muna.

Ayaw niya kaming sagutin kung totoong inu­rong na niya ang kasong Habeas Corpus dahil nakikita at nahihiram naman niya ngayon ang dalawang anak nila ni Sunshine.

Hindi na raw ito ipinagkait sa kanya.

“May gag order po, eh,” safe na sagot sa amin ni Timothy.

***

Ang latest pang narinig namin ay nagpalit na ng abugado si Sunshine.

Hindi na si Atty. Claire Castro ang kakausapin dahil iba na ang nagre-represent sa Kapuso actress.

Sabi ni Atty. Castro, nag-withdraw na siya bilang abogado ni Sunshine.

Nagdesisyon si Atty. Castro na dapat na siyang mag-withdraw.

Dahil dito, bagong pag-uusap na naman ‘yan sa magkalabang panig.

Baka mabago na naman ang mga desisyon. Kaya tahimik lang muna sa ngayon si Timothy.

Hinihintay na lang daw niya kung ano ang payo ng abugado niyang si Atty. Peter Sanchez at Atty. Ruth Castelo.

Magkakaroon uli sila ng hearing sa pro­secution sa linggong ito, kaya doon na lang malalaman kung magkakaroon ng malaking pagbabago.

3 Responses